Your Ad Here

Selasa, 13 Maret 2012

Rhian Ramos on lessons learned after the controversies: "Kung hindi pa naman ako natuto, ewan ko na lang!"

rhian-ramosHindi naiwasan na hindi naungkat ang pagsubok na pinagdaanan ni Rhian Ramos nang  humarap siya kahapon, March 12, sa entertainment press para pag-usapan ang My Kontrabida Girl, ang pelikula na pinagbibidahan nila ni Aljur Abrenica na ipalalabas sa mga sinehan simula bukas.

Imbes na umiwas, sinagot ni Rhian ang lahat ng mga tanong.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga sumuporta sa kanya.

Unang pinasalamatan ni Rhian ang kanyang pamilya na hindi umalis sa tabi niya, ang fans na nagpadala ng inspiring messages at mga pagkain, ang GMA-7 management na naintindihan ang sitwasyon.

Inamin ni Rhian na maraming aral ang kanyang natutunan sa naging karanasan niya.

Aniya, "Siguro ganoon lang talaga ang buhay parang may balance, may compensation.

"Hindi puwedeng laging lahat pangit, hindi puwedeng laging lahat maganda. May balance lang.

"Masaya ako sa 2012 ko kasi parang sa short amount of time, parang ang daming nangyari.

"Yung GMA, thankful ako dahil pinayagan nila ako na magbakasyon.

"Malaking bagay 'yon sa akin. Ang laking tulong..."

Ang tinutukoy ni Rhian ay ang pamamahinga niya pagkatapos pumutok ng kontrobersiya dulot ng breakup nila ng radio-TV host na si DJ Mo Twister.

ON LEAVING MY BELOVED. Napag-usapan din ang tungkol sa hindi pagkakatuloy ni Rhian sa primetime series ng GMA-7 na My Beloved.

Nakapagsimula nang mag-taping si Rhian noon para sa seryeng ito na pagtatambalan sana nila ni Dingdong Dantes, pero nagdesisyon siyang umalis na lang dito dahil nga sa kontrobersiyang pinagdadaanan niya noon.

Pinalitan si Rhian ng real-life girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera.

Sabi ni Rhian tungkol dito, "Parang kalahating nakakapanghinayang, 'tapos kalahating hindi, kasi alam ko naman kung bakit ko kailangang magbakasyon.

"At saka nakatulong talaga sa akin yung bakasyon ko.

Source: PEP

I hope she meant to say, natutuo about abortion.

Tidak ada komentar:

Posting Komentar