Your Ad Here

Rabu, 28 Maret 2012

Julie Anne San Jose reveals screen partner Elmo Magalona has a girlfriend!

laurenelmo ELMO HAS A GIRLFRIEND? Maraming fans nila ni Elmo ang nag-e-expect na sila ang magkakatuluyan. Hindi pa ba siya nagsasawa sa tanong kung sila na ba?

"Yun nga po ang madalas na tanong sa amin. Pero wala po, e, friends lang po talaga kami."

Never bang nanligaw o nagpalipad-hangin si Elmo sa kanya?

"Ewan ko po sa kanya."

Pero hindi naman itinatanggi ni Julie Anne na humanga rin siya sa ka-loveteam.

"Siyempre po noong una kaming magtambal, hindi po mawawala yung admiration na siyempre he's the son of the Master Rapper [the late Francis Magalona]. E, idol ko po yung tatay niya. Parang nakikita ko siya kay Elmo."

Isang writer ang biglang nagtanong kung type ba ni Julie Anne si Elmo?

Ang mabilis na sagot ni Julie Anne, "May girlfriend po yun."

So, kaya hindi sila pwedeng magkatuluyan dahil may girlfriend si Elmo?

"Hindi naman po kasi... hindi ko po alam," tila bawi niya. "Siguro depende po yun sa kanya.

"E, kasi naman, ako po kasi, ang goal ko po kasi talaga is straightforward sa work. Focused talaga ako."

Na-meet na ba niya ang girlfriend ni Elmo?

"Oo naman po."

Showbiz o non-showbiz ba ito?

"Showbiz."

Si Lauren Young ba ang girlfriend ni Elmo ngayon?

"Ayoko na hong magsalita," natatawang pag-iwas na ni Julie Anne. "Alam naman na po ng mga fans yun, e.

"Kasi, kahit hindi naman po sabihin, alam nila. Kasi yung tweet nito, yung tweet nitong isa, napagko-connect nila. Kahit hindi tina-tag, alam nila yung story."

Source: PEP

Tidak ada komentar:

Posting Komentar