"It's an honor, honor for me to be part of that [indie movie, The Lam-Ang Experiment]," masayang balita ni Rocco Nacino.
Ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino ang leading man ni Kylie Padilla sa pinakabagong afternoon soap ng GMA-7, ang The Good Daughter.
Gagampanan ni Rocco ang papel ni Darwin Alejandro, isang binata na tatalikuran ang kanyang pamilya dahil sa kasakiman ng ina (Alicia Mayer). Kalaunan ay iibig siya sa karakter ni Kylie at magiging kakampi nito laban sa kanyang sariling pamilya.
"The Good Daughter is gonna be big! It's gonna be a hit! It's gonna capture the audience's heart," excited na sabi ni Rocco sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Good Daughter kahapon, February 7.
Dagdag pa niya, "Kasi unang-una, the character of Kylie, people can relate to her—losing a love one at a...alam mo yun, being the good daughter.
"And also sa character ko, kung gaano ako kasalbahe.
"At ano, magiging interested sila sa ano... anong klaseng Rocco yung ipapakita ko sa kanila."
Anong klaseng Rocco ba ang kanyang ipapakita sa The Good Daughter?
"Salbahe. Salbahe na... salbahe na pasaway, palaban—the dark side of Rocco lalabas diyan."
Paano lumabas ang dark side ng isang Rocco Nacino?
"I have to give props to Direk Mike Tuviera dahil siya yung nakapag... dahil siya yung naka-trigger sa 'kin.
"We talked for awhile kung paano ilalabas yun and... isang random dinner namin, bigla naming nahanap yun.
"At ayun, I'm really happy na tutok na tutok siya sa mga artista niya.
"That's one trait of Sir Mike na gusto ko, tutok na tutok siya sa mga artista niya.
"He's really concerned about his artists. He wants them to bloom, he wants them to evolve, to improve, kaya tutok na tutok siya.
"He never lets go of us, kaya ano, kumbaga, acting coach mo siya, director, friend, at ano, e, he's bringing out the best in us, e.
"Kaya ako, I'm happy with my role right now—how I'm portraying my role right now," mahabang saad ng young actor.
THE LAM-ANG EXPERIMENT. Sa gitna ng pakikipag-usap ng PEP kay Rocco ay nabanggit niya na nagda-diet siya ngayon bilang paghahanda para sa isang indie film na kanyang gagawin.
Ang tinutukoy niya ay ang The Lam-Ang Experiment.
Ang The Lam-Ang Experiment ay base sa epic poem na Biag ni Lam-ang o Buhay ni Lam-ang. Isinulat ito ni Pedro Bucaneg noong 1640.
Si Lam-ang ay isang pambihirang tao. Ipinanganak siyang nakakapagsalita at nakakalakad kaya siya na rin ang pumili ng kanyang sariling pangalan.
Tidak ada komentar:
Posting Komentar