Your Ad Here

Rabu, 08 Februari 2012

Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion


Naging mas bukas ngayon si Mark Bautista sa pagsagot ng mga katanungan tungkol sa pagkakasangkot niya sa kontrobersiyal na hiwalayang KC Concepcion at Piolo Pascual noong nakaraang taon. Para kay Mark, tapos na ang naturang isyu at naka-move on na ang lahat sa pangyayari. Nananatili naman silang magkaibigan ni Piolo at sinabi niyang, "Nagkakausap naman kami. Ayoko na lang i-elaborate pa ngayon, ha, kasi tapos na, naka-move na ang lahat."

Dumating si Mark Bautista kasama ang isang non-showbiz girl sa Skin: The Talent Agent's Organization (TAO) Party na ginanap kagabi, Pebrero 7, sa Genting Club, Resorts World Manila.

Agad itong napansin ng press at tinanong kung ang kasamang babae ba ang kanyang "special someone" ngayon.

Pero paglilinaw ni Mark, "Hindi, may kasama akong mga kaibigan na nag-invite sa 'kin dito.

"Uhm, hindi ko alam kung anong nangyayari dito at nagugulat na lang ako na ganito pala kalaki na event 'to."

Wala raw dine-date sa ngayon si Mark.

Ang pagdalo raw niyang iyon sa party ay maituturing niyang isang "group date."

Pero paano siya sa darating na Araw ng mga Puso? Sila pa rin ba ng mga kaibigan niya ang makaka-date niya?

"Hopefully sila pa rin iyong mga makakasama ko sa Valentines.

"Hindi pa rin ako nakakapagplano sa Valentines, so hopefully hindi malamig ang Valentines ko," sagot ng singer-actor.

Matagal na ring walang napapabalitang girlfriend o nililigawan si Mark.

Ang pinakahuli ay ang pagkaka-link niya sa kasamahan niya sa Party Pilipinas na si Solenn Heussaff. Pero agad naman niya itong itinanggi sa isang interbyu.

Nanindigan din si Mark na hindi niya prayoridad sa ngayon ang kanyang lovelife.

Bakit matagal na siyang "loveless"?

"Gusto ko pa ngang tagalan, e, para, alam mo 'yon, marami pang sasabihin sa 'kin," pabiro niyang sagot.

Pero dagdag niya, "Puwede namang maging inspired kahit walang pag-ibig, 'yon, puwede 'yon, posible 'yon."

PIOLO-KC BREAKUP. Naging bukas naman si Mark sa pagsagot sa mga katanungan tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa kontrobersiyal na hiwalayan nina KC Concepcion at Piolo Pascual noong nakaraang taon.

Nainterbyu na si Mark ng Showbiz Central noong Disyembre tungkol sa diumano'y pagiging "third party" niya sa naturang relasyon, subalit tumanggi siyang magbigay ng komento.

Ayon sa bali-balita, si Mark daw ang dahilan kung bakit tuluyang nakipagkalas si KC kay Piolo.

Muling tinanong ng PEP si Mark tungkol dito sa panayam namin s akanya kagabi.

Ani Mark, "Alam mo, 2012 na, ayoko ng... sobrang isang malaking pagsubok iyon sa 'kin, iyong last year, and happy na 'ko sa buhay ko ngayon."

Source

Tidak ada komentar:

Posting Komentar