The three remaining castaways of Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown: (from left) Mara Lopez Yokohama, Betong Sumaya, and Stef Prescott. One of them will be named the Sole Survivor and will win P3 million.
Kagabi, February 8, ay ipinalabas ang Part 1 ng huling Tribal Council sa reality-competition show ng GMA-7 na Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.
Ang final Tribal Council ay ang parte ng Survivor Philippines kung saan kinukumpronta ng jury, o mga natanggal na contestants, ang mga natirang players para malaman kung sino sa kanila ang nararapat na manalo ng top prize.
Pang-apat na season na ito ng Survivor sa GMA-7.
Ang Survivor Philippines ay franchise ng popular na reality show sa Amerika na Survivor.
Ito ay laro kung saan ang mga contestants ay kailangan manirahan sa isang secluded na lugar ng 36 days. Isa-isang nabu-vote out ang mga contestants hanggang sa final tribal council, kung saan Jury ang boboto kung sino ang makakakuha ng top prize.
Sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ay tumataginting na P3 million ang top prize, kaya naman talagang nagpagalingan ang mga contestants sa bawat challenge na ipinagawa sa kanila.
Sa huli ay tatlo na lang nga ang natira:
Si Mara Yokohama, na naging close alliance ng Volcanoes player na si Arnold Aninion.
Si Betong Sumaya, na tumagal sa laro dahil sa close alliance niya kay Maey Bautista. Wala man siyang napanalunan kahit isang challenge ay siya ang pinaka-likable sa tatlo.
At si Stef Prescott, na naging outcast ng buong tribo at ginawa ang lahat para tumagal hanggang sa huli.
Pito naman ang mga tao sa Jury: sina Chuckie Dreyfus, Arthur Solinap, John Odulio, Gino dela Peña, Arnold Aninion, Maey Bautista, at ang huling na-vote off na si KC Montero.
MARA SPEAKS. Sa final Tribal Council, bago kinausap ng jury ang top three ay isa-isa munang nagbigay ng speech ang Top 3.
Nauna si Mara na magsalita, at agad niyang ipinaalala ang una niyang alliance sa simula pa lamang ng laro.
"Unang-una, nandito ako sa top three dahil sa aking orihinal na alyansa. Ang power five na nabuo noong nasa Bulan pa ako. Kasama dun si Arnie, si Gino, si Johnny, at si KC.
"Kaming lima ang naging power five. Naging loyal ako dun hanggang sa nagpapatunay na maging Survivor," sabi niya.
Isa-isang kinausap ni Mara ng kanyang mga dating ka-alliance para hingin ang mga boto nila.
Ayon sa kanya, si Gino ang una niyang pinagkatiwalaan sa apat.
Pinasalamatan niya si John dahil itinuring siyang "little sister" nito.
Nagpasalamat naman siya kay Arnold, na nakapalagayan niya na ng loob.
Tidak ada komentar:
Posting Komentar