Your Ad Here

Kamis, 05 April 2012

Luis Manzano says he will press charges against the couple who allegedly tried to rob a cab driver working for him

Kamakailan lang ay naharap sa malaking kontrobersiya ang TV host-actor na si Luis Manzano tungkol sa panghoholdap sa kanyang taxi driver. Luis Manzano

Noong nakaraang Linggo, Marso 25, ay lumabas sa Rated K ang mga suspek na mag-nobyo na humihingi ng tawad kay Luis dahil nagawa raw nila ang mga bagay na iyon dahil sa matinding pangangailangan.

Noong Marso 29, Huwebes, sa pangalawang presscon ng Moron 5 and the Crying Lady na ginanap sa Citybest restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay nakapanayam ng ilang press at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis tungkol sa kaso.

Tinanong namin si Luis kung napanood niya ang apila ng mag-nobyong nagtangkang mang-holdap sa taxidriver niya. Patatawarin ba niya ang mga ito?

“Oo! Napanuod ko yun. Eto, yung punto ko—kung sakaling patawarin ko silang dalawa, anong halimbawa ang ipakita ko sa mga empleyado ko?

"Na hindi ko sila pino-protektahan?

"Nag-tangka sila [yung mga suspek] sa kompanya ko at higit sa lahat nag-tangka sila sa empleyado ko," ang sabi ni Luis.

“Eto yung sitwasyon ha…Hindi man lang nila tinutukan ha.

"Ang holdap na ginawa nila ay hindi man lang sinabi na, 'Akin na yung pera mo.'

"Kundi, tinuluyan nila yung driver ko. At habang sinusubukan nung lalaki saksakin yung driver ko, sinisipa naman siya nung babae, ayon sa report ito nung driver ko ha."

Kung sana daw ay hindi nila ito "tinuluyan," ayon kay Luis.

"So, ang habol nila ay mapatay yung driver ko. Buti na lang napihit ng driver ko yung manibela kaya tumama sa trak.

"So, kung saka-sakali lang na patawarin ko sila, pinapakita ko na hindi ko pino-protektahan yung mga empleyado ko.

"Higit sa lahat, may pamilya yung driver ko. Ako, boss lang ako nung kumpanya at nung driver ko, e di ba tatay yun? May asawa yun, may pamilya yun.

"Mas sila dapat ang sumagot niyan, kung patatawarin nila," ang sabi ni Luis.

"Pangalawa, kung sakaling mapakawalan yan at meron silang tirahin uli.

"Anong sasabihin sa akin nung susunuod na  pamilya na mabiktima nila?

"Pinakawalan mo, di sana buhay pa yung anak or asawa ko. Babalik sa akin yun.

"Kaya tayo may batas, may kailangan tayong sundin," ang sabi ni Luis.

Dagdag pa niya: “Saka may mga kasosyo ako, although ako yung majority stock holder.

"Ang sa akin pa rin ay gusto kong protektahan yung mga empleyado ko.

"So, kahit minsan, gusto kong ipakita sa mga empleyado ko na  protektado kayo at walang pwedeng gumalaw sa inyo at sa kumpanya natin.”

So, tuloy ang kaso para doon sa suspek na mag-nobyo?

“Yes, ongoing ang kaso, so nandun yung imbestigasyon na nangyayari.

"Ako on my side, itutuloy namin yung kaso.

"Gusto kong ipakita sa mga empleyado ko na pino-protektahan ko sila.”

Source: PEP

Tidak ada komentar:

Posting Komentar