Your Ad Here

Rabu, 04 April 2012

Enrique Gil courting Kim Chiu?

Maging si Enrique Gil ay nagulat sa lumabas na balita na palihim daw siyang nanliligaw kay Kim Chui.

Pero agad itong itinanggi ng young actor nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP 2012 noong Linggo, April 1.Enrique Gil Kim Chiu

“Kahit ako nagulat nang lumabas 'yan—hindi ako nanliligaw!" diin niya.

“At that time kasi, best friend ko si Matteo [Guidicelli], nag-mall show ako sa Cebu, e.

"Tamang-tama that time, yung My Binondo Girl, nag-mall show din sila sa Cebu.

“So, parang tinext ako ni Matteo, ‘Nandito kami sa Cebu, may dinner kami with the whole cast and family ko, kita tayo.’

“Ako naman umoo after ng show, so kasama ko yung handler ko, nagkita kami, and yun, nakilala ko si Kim.

“Taga-Cebu din pala siya. Dun kami unang nagkakilala.

"Nag-usap kami kasi hindi kami nag-uusap dito [sa Manila].

“'Tapos naging friends, nagkapalitan ng numbers, 'tapos text-text pero na-stop din.”

Bakit nahinto ang komunikasyon nilang dalawa? Hindi kaya natakot siya sa Kimerald fans na kilala sa pagiging possessive sa kanilang mga idolo?

“Wala lang, I don’t know..." sabi ni Enrique.

"Wala talaga, walang ganun na umabot sa punto.

“Yeah, nagka-text kami, pero not like I like her... walang ganun.

“Hindi rin kami lumabas, we never went out, basta walang ligawan.”

“Sa mga Kimerald? Hindi, wala naman.”

Sa mga past interviews ay sinabi ni Enrique na attracted siya kay Kim.

Paliwanag ng young actor dito, “A, dun sa mga dati kong interviews, sinabi ko, oo naman, pero hindi ako umabot sa nagkaligawan. Hindi ko binalak.

"Ang nangyari lang kasi that time, kaming tatlo [siya, si Kim, at si Matteo] from Cebu.

Source

Tidak ada komentar:

Posting Komentar